Wednesday, July 10, 2013

TULA: Pilipinas kong Mahal

Pilipinas kong Mahal

Bayang Sinilangan
Pilipinas na kinalakihan
Maliit na bansa na may iilang pulo
Bayang sa pagmamahal ay punong-puno

Di man kayang makipagsabayan 
Sa mga bansang ubod ng yaman
Kaya naman nating makipagsabayan
Pagdating sa ating mga natatanging  Likas na yaman

Di man ganoon kalinis
Di man ganoon kaorganisado
Mga tao nama'y dito
Tiyak na magugustuhan mo

Ikaw may banyaga
Na saming bansa'y bumisita
Mainit na pagtanggap
Iyong malalasap

Maaring ang mga pilipino
Kilala sa kahirapan
Kilala rin sila 
Sa ibat ibang larangan

Mapasayaw,Mapaawit
Galing ng Pilipino
Maipagmamalaki
At di pwedeng imaliit

Pati sa mabuting pakikitungo 
Kilala ang mga pilipino
Bandila natin di maitatago
Galing kasi nati'y maipagmamalaking totoo.

7 comments:

  1. OH kay ganda ng tula nakaka mangha,
    ANG GALING MONG GUMAWA,
    at ang puso ko ay biglang namangha,
    SA UNANG PAG BASA PALANG AY NAILALARAWAN,
    mga pinoy na katulad mo ay maraming talinto
    IPAG PATULOY MO SANA ITO.

    ReplyDelete