Musmos na Pag ibig
Pag ibig nga naman
Pag ibig nga naman
Pag sumulpot bigla bigla na lang
Kung manligaw padalos-dalos lang
Pero pag nagkamali panghabangbuhay ng masasaktan
Aywan kung anung meron
Puso ng kabataan ngayon,
Sadyang marupok,ngunit kay daling mahulog
Di kaya pag hanga lang?
Sa panahon ngayon maraming nauuto
Hay! buhay sobra kang maloko
Iba'y pakiramdam bigla bigla na lang nagbabago
Aba't pagdedesisisyon mabilis pa sa kabayo
Sabi nila "pag ibig nga ito"
Ngunit mas pipiliin pang pagkaing paborito,
Kung magsalita labis-labis
Halos di na maisulat gamit ang lapis.
At sa huli'y masasaktan rin
Mga pambobola tila nakain
Nasaan na ang pag ibig?
Saan na ang pagmamahalan?
Ito ba ang katotohanan?
na isa ka lang sa kanyang mga naging laruan.
Bakit nga ba ganoon puso ng kabataan ngayon
Iba na sa noon.
No comments:
Post a Comment